1 Patay 1 Sugatan sa Pamamaril ng Tandem; Pulis, Tigok sa Ambush

Cabanatuan City- Dead on the spot ang isang driver ng motorsiklo samantala nakaligtas naman sa kamatayan ang kaangkas nito sa naganap na pamamaril sa barangay San Roque Norte, Cabanatuan City.

Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay hindi pa nakikilala ang nagmamaneho ng itim na Honda Zoomer X motorcycle habang ang angkas nito na tinamaan ng bala ng baril sa tiyan ay kinilalang si Rufino Singayan y Bayan, trenta’y syete anyos, may asawa, residente ng Aduas Norte ng naturang lungsod.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas dos ng hapon nang pagbabarilin ng riding in tandem ang mga biktima sa Melencio Street, Cabanatuan City.

Agad na binawian ng buhay ang driver samantala isinugod naman sa ospital si Rufino Singayan.

Aliaga- Hindi na umaabot sa pagamutan ang isang pulis samantala tinamaan naman ng ligaw na bala sa  braso ang kanyang asawa makaraang tambangan at ratratin ng mga hindi nakilalang suspek  sa barangay poblacion West 4, bayan ng Aliaga.

Kinilala ang mga biktimang sina SP02 Rolando Bondoc y Bendiola, limampong taong gulang, PNP NECIDT member, at kanyang asawa na si  Celerina Bondoc y Marzan, kwarenta’y syete anyos, public school teacher, kapwa residente ng barangay Santiago ng naturang bayan.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas otso kwarenta’y singko ng gabi habang naglalakad ang mag-asawa papunta sa kanilang sasakyang Ford Ranger Pick-up na nakaparada sa gilid ng kalsada sa tapat ng F1 gasoline station ng harangin ng isang kulay puting Toyota Innova.

Isa umano sa mga sakay ng Toyota Innova na armado ng kalibre kwarenta’y singkong baril ang rumatrat sa biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan. – Ulat ni Clariza de Guzman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *