10 dating rebelde, binigyan ng Php15k insentibo ng Gobyerno

Alinsunod saExecutive Order 70 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong December 4,2018 ay binibigyan ng pagkakataon ang mga sumukong myembro ng lokal na komunistang grupo na maging parteng muli ng lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pinansyal na tulong  at libreng pag aaral ng vocational courses.

Nitong Lunes  March 3, 2020  sa programang Usapang  Malasakit sa Lipunan ni Governor Umali ay binigyan ng P 15,000 Insentibo ng National Government ang sampung sumukong myembro ng  Komiteng  Larangang Guerilla sa Sierra Madre  na ginanap

Ayon kay Lt. Col. Andrew Costelo ng 703rd Brigade ang mga surenderees ay kabilang sa nasabing samahan na   isang  armadong grupo na nag o-operate sa boundary ng Nueva Ecija at Aurora.

Pahayag ni Lt. Col. Costelo bukod sa cash incentive ay  susuportahan ng Gobyerno sa mga dating rebelde  na makapagsimulang muli sa pamamagitan ng paglalaan ng scholarships sa mga TESDA courses.

Komento ni Governor Oyie Umali na namumuno sa Provincial task force  nakatataba aniya ng puso na makitang nagkaroon ng pagkakaisa ang mga  dating kasapi ng mga rebeldeng grupo at Philippine Army

Mula pa noong isang taon hanggang  March 2, 2020   ayon kay Lt. Coronel Costelo nasa mahigit 1,000 indibiduwal na ang sumusuko sa Region 3 na may edad mula 15 taong gulang hanggang 60 taong gulang.  – Ulat ni Amber Salazar

Watch – 10 dating rebelde, binigyan ng php 15k insentibo ng Gobyerno


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *