11 Departamento ng Pamahalaang Panlalawigan, sumabak na sa unang araw ng Palarong Kapitolyo 2018

Mahigit isang daang empleyado mula sa iba’t ibang tanggapan  ng Provincial Government ang lumahok sa Bowling and Chess Tournament kahapon Martes, November 27, 2018.

Ito ay ay bahagi ng taun-taong programa ng Pamahalaang Panlalawigan na Palarong Kapitolyo 2018.

Sa aming panayam kay Tita Sarmenta, Sports Development Officer 1 ng Provincial Sports and Youth Development Office, idinaos ang naturang programa upang magkaroon ng pagkakataong na makapag-relax, un-wind at madevelop ang camaraderie ng mga kawani ng kapitolyo.

Ibinahagi pa nito na Bowling and Chess ang kanilang napiling palaro ngayong taon dahil sinusuri din muna aniya kung saan mas maraming interesadong empleyado lalahok sa ganung laro.

Kabilang sa mga nakilahok na Departamento ay Provincial Health Office, Provincial Social Welfare and Development Office,  Office of the Provincial Agriculture, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Provincial Human Resource Office, Provincial Engineering Office, Provincial General Services Office, Provincial Budget, Provincial Assesor at Sangguniang Panlalawigan.

Ipinaliwanag naman ni Julius Lachica ang format sa larong Bowling mula sa Elimination round na kukuhanin ang Top 4 sa sampung  Teams na kalahok,  at magkakaroon rin ng  Step ladder finals na ang apat na koponan ay maglalaban laban naman hanggang sa  Championship.

Bawat koponan aniya ay binubuo ng anim na miyembro ng mga manlalaro na mayroong apat na lalaki at dalawang babae o kaya ay tatlong babae at tatlo ring lalaki.

Ang mga mananalo ay  makakatanggap ng tumataginting na halagang labing limang libong piso sa tatanghaling kampeon, siyam na libo naman para sa  1st Runner-up, anim na libong piso sa 2nd  Runner-up,  at ang panghuli ay makakapag uwi ng tatlong libong piso.

Mayroon ring matatanggap na parangal para sa indibidwal na manlalaro katulad ng highest individual score para sa babae at para sa lalaki, MVP o Most Valuable Player, highest individual pinning men and women, highest Team Single and highest Team Double.

Ang skedyul ng Bowling ay mula December 1 hanggang December 11. Tuloy Tuloy naman ang Skedyul ng larong Chess mula ngayong araw hanggang December 11. Aasahang magtatapos ang Palaro sa December 12, 2018.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *