11 koponan, posibleng magharap-harap sa ika-walong season ng NECSL

Inaasahan na labing isang koponan ang magtutunggali sa nalalapit na Nueva Ecija Collegiate Sports League (NECSL) Season 8.

Sa ikalawang meeting na inorganisa ng Sports and Youth Development Services Office at Sports Coordinator ng mga eskwelahan na ginanap kahapon, August 7, 2019.

Nagpahayag ng pagsali ang College of Immaculate Concepcion (CIC), Our Lady of the Sacred Heart College of Guimba Incorporated (OLSCHO), Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST), Good Samaritan Colleges (GSC), MV Gallego Foundation College (MVGFC), Core Gateway College Incorporated, ELJ Memorial College (ELJMC), Midway Maritime Foundation Incorporated, College of Research and Technology (CRT), Wesleyan University-Philippines (WUP) at Our Lady of Fatima University (OLFU).

Ayon kay Neil Pacia, technical coordinator ng NECSL, ang mga koponan ay maaring sumali sa Men’s Basketball, Men’s and Women’s Volleyball, Ms. NECSL at ang muling pagbabalik ng Dancesport.

Bukod sa pagpasa ng letter of intent na mahalagang requirements ay ipinaalam din sa pagpupulong ang guidelines ng palaro.

Ang mga parusa ay ang mga sumusunod:

  • Kung mapapatunayan na guilty ang atleta/coach na inireklamo sa pagsuway sa requirements, ang mga larong naipanalo ng koponan na kaniyang kinabibilangan ay ikokonsiderang talo.
  • Ang sinumang atleta na nagpasa ng peke o tampered na dokumento ay otomatikong iba-banned sa anumang kompetisyon ng Provincial Government.
  • Habang ang coach ng mapapatalsik na atleta ay may pananagutan at iba-ban din sa mga kompetisyon ng kapitolyo.
  • At kung ang player/coach/staff na hindi sumunod sa mga patakaran ng laro ay paalisin sa venue.

Isang malaking hamon naman para sa NEUST ang defending champion ng Men’s Basketball noong nakaraang taon na muling maghari sa kompetisyon.

Aniya, hindi lang physical preparation ang kanilang pinagtutuunan ng pansin kundi maging ang aspetong psychological at emotional.

Ang NECSL ay programa ng Provincial Government na layunin na mapaunlad ang skills at sportsmanship ng mga kabataang Novo Ecijano.

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago, inaasahan na sa September 25 magsisimula ang pinaka a-abangang palaro. –Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *