115 feet Giant Christmas Tree, bumida sa 2019 Christmas Festival ng Gapan City

Nasa 120,000 bulbs ng Christmas lights, 34,000 Christmas balls at may taas na halos 115 feet ang higanteng Christmas tree na pinailawan kasabay ng samu’t saring pampaskong pailaw sa Gapan City plaza nitong Lunes, November 25, 2019.

Maliban sa Giant Christmas Tree ay isa rin sa kinagigiliwan doon ay ang isang kilometrong haba ng tunnel of lights na binubuo ng 27,500 bulbs at halos dalawang libong parol na nagpaningning sa kahabaan ng kalsada mula Bucana hanggang Plaza.

Sa aming panayam kay Mayor Emerson “Emeng” Pascual, ay sinabi nitong kasiyahan ang kanyang nais para sa mga mamamayan ng Gapan at kanilang maipagmalaki  na sila ay mga Gapanense.

Maliban sa pagpapailaw ay nagkaroon din ng magarbong fireworks display na tumagal ng labinlimang minuto.

Hinarana naman ng singer na si Michael Pangilinan ang mga binibini na talaga namang tinilian at kinakiligan ng mga ito.

Ayon sa punong lungsod, umabot sa halos sampung milyong piso ang nagastos para sa mga pailaw sa Lungsod ng Gapan na tatagal hanggang sa January 6, 2020.

Dagdag pa ni Mayor Emeng, sa susunod na pasko ay mas pabobonggahin at mas pagagandahin pa ng lokal na pamahalaan ang mga palamuti na handog nila sa mga mamamayan ng lungsod. –Ulat ni Jessa Dizon

Watch – 115 feet Giant Christmas Tree, bumida sa 2019 Christmas Festival ng Gapan City


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *