128 SPED Learners,bumida sa 41st NDPR Week

Nagpamalas ng kani-kanilang galing at talento ang isang daan at dalawampu’t walong SPED Learners sa lalawigan sa pagdiriwang ng 41st NDPR o National Disability Prevention and Rehabilitation Week na may temang “Lokal na Pamahalaan Kabalikat sa Pagtupad ng Karapatan ng Taong May Kapansanan” na ginanap kahapon July 30, 2019 sa Waltermart bayan ng Talavera.

Kasabay nito ay ang selebrasyon ng kanilang ikalabing limang taong anibersaryo ng SPED Talavera Central School SPED Center.

Sa aming panayam kay Corazon Aquino, Coordinator ng SPED, ang NDPR Week  ay ipinagdiriwang sa buong bansa na ginaganap sa tuwing sasapit ang buwan ng Hulyo taun taon. Ito aniya ay mula sa direktiba ng Presidential Decree na ipinapatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang pag-alala sa ating bayani na ‘Dakilang Lumpo’ na si Apolinario Mabini na nagbuwis ng buhay sa kabila ng kapansanan nito.

Napakahalaga naman aniya na binibigyan ng espesyal na oras at pagkalinga ang mga bata katulad ng ganitong selebrasyon upang maiparamdam sa mga bata na sila ay hindi iba sa lipunan kahit na sila ay may kakaibang  kundisyon.

Layunin aniya ng aktibidades na ito ay upang malaman at mabuksan ang kaisipan ng kumonidad na mayroong mga batang Novo Ecijanong may kapansanan na kailangan kilalanin at ibilang sa lipunan upang  mabigyan ng ayuda mapapinansyal at moral na aspekto.

Ayon naman sa Nueva Ecija Division Supervisor na si Evelyn Solis, dahil aniya sa mga paaralan at programa ay nagbigay daan ito sa mga magulang na i-expose ang kanilang mga anak sa kumonidad kumpara dati na itinatago lang ang kanilang mga supling sa kanilang tahanan.

Bagaman may mga kapansanan ito ay mayroon pa rin aniyang mga espesyal na kakayahan, talento, galing at potensyal ang mga bata  na dapat ay palawigin upang sila ay maging kapaki-pakinabang na mamayan ng lipunan.

Masaya namang ibinalita ng Founder ng SPED School na si dating Mayor Nerito Santos  na magbibigay  si Mayor Nerivi Santos ng libreng mga gamit pang eskwela  sa Pre-Elem at Elementary School, at magdadagdag rin ng financial assistance  sa High School at kolehiyo sa bayan ng Talavera.

Nagpapasalamat naman si Mary Joy sa Pamahalaang Lokal dahil siya umano ang produkto ng libreng pagpaparal sa mga batang may kapansanan na katulad niya.

Bukod sa Talavera Central School SPED Center ay nakiisa rin ang San Ricardo Elementary School SPED Center at Bantog Elementary School sa bayan ng Talavera.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *