14-Anyos na Binatilyo, Natagpuang Patay sa Loob ng Barangay Hall; Manggagawa Tinambangan, Dedo

Ikinagulat ng isang ginang ng matagpuan sa loob ng barangay Hall ng Patalac sa Cabanatuan City ang malamig na bangkay ng isang katorse anyos na binatilyo.

Kinilala ang biktimang si Jaspher Nagal y Padua, out-of-school youth, residente ng naturang lugar.

14-year old Jaspher Nagal was found dead inside the Patalac Barangay Hall.
14-year old Jaspher Nagal was found dead inside the Patalac Barangay Hall.

Ayon sa saksing si Yolanda Garcia, bandang 6:00 ng umaga ng madiskubre nya ang wala ng buhay na biktima sa loob ng barangay hall.

Wala namang nakitang mga sugat sa katawan ng biktima na dinala sa isang punerarya para sa autopsy examination.

Laborer Augusto Canlas was walking on a street alley when unidentified suspect suddenly approached and shot him.
Laborer Augusto Canlas was walking on a street alley when unidentified suspect suddenly approached and shot him.

San Antonio- Dead on the spot ang isang manggagawa matapos tambangan at pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa barangay Sto. Cristo, bayan ng San Antonio.

Kinilala ang biktimang si Augusto Canlas y Pangilinan, kwarenta’y singko anyos, ng naturang lugar.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong las sais trenta ng gab, habang naglalakad ang biktima iskinita sa Purok Nueve ng nasabing barangay ng lapitan ng mga suspek at bigla na lamang niratrat ang biktima na kaagad binawian ng buhay.

Naglakad lang umano ang mga suspek makaraang maisagawa ang krimen.-ulat ni Clariza de Guzman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *