15 Days Free Massage Training ng PGNE at TESDA, handog sa mga magulang ng mga mag-aaral ng Lazaro Francisco Integrated School

Dalawampu’t limang magulang ng mga estudyante ng Lazaro Integrated School ang nabigyan ng pagkakataong matuto sa libreng massage training and livelihood program ng Pamahalaang Panlalawigan sa pakikipagtulungan ng TESDA o Technical Education and Skills Development Authority.

Sa aming panayam kay, Froilan La Fortesa Hilar Trainor ng Livelihood Program , Itinuro nito ang tamang proseso mula sa pagkuha ng Physical assessment o Vital signs, pakikipagdayalogo, tamang pagmamasahe sa Hilot, Ventosa  at iba’t ibang ng klase ng Massage strokes.

Dagdag pa niya,  pagkatapos ng pagsasanay, bukod pa sa kaalaman ay magkakaroon pa ito ng sertipiko o lisensya bilang Massage Therapist na pwede nilang gamitin upang makapasok ng trabaho hindi lamang sa loob ng bansa kundi maging sa abroad.

Nagpaabot pa ng mensahe si Hilar sa mga magulang na sumailalim sa pagsasanay dahil aniya malaki ang oportunidad na naghihintay sa mga ito pagkatapos ng pagsasanay.

Isa sa mga lumahok sa nasabing training ay si Jackilyn Pangilinan, aniya chance na ito para makapag-aral lalo pa’t wala naman siyang pinagkakaabalahan habang hinihintay ang kaniyang tatlong anak sa eskwelahan.

Para naman kay Marlyn Gabriel at Jean Rhea Gonzales, napakalaking tulong nito dahil pwede anilang  i-apply ang mga natutunan sa kani-kanilang  pamilya. Plano rin nila na  ipagpatuloy ang mga nasimulan  upang mas madagdagan ang kaalaman at magkaroon ng extra income sa Pamilya.

Layunin ng Training ay mabigyang  pagkakataon na matuto, magkaroon ng kaalaman patungkol sa pagmamasahe, at makakuha ng lisensya bilang  Accredited Health Practitioner at makatulong sa pangkabuhayan  ng Pamilya.

Pagkatapos nito ay   magkakaroon ng  competency assessment kung saan susuriin kung sapat na ang mga natutunan at kakayahan ng mga ito para magkaroon ng National Certificate 2 mula sa TESDA. 

Nagsimula ang labing limang araw ng pagsasanay sa unang batch nito noong June 10 at nagtapos noong July 31.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *