16 honest na empleyado ng isang mall, pinarangalan

Pinarangalan ng SM Megacenter at SM City Cabanatuan ang labing anim nilang empleyado na mahusay at tapat na gumanap sa mga tungkulin sa idinaos na Joint Tactical Inspection and General Assembly of Troops noong February 27, 2020.

Isa sa binigyang pagkilala ay si Ernie Garcia, isang Security Guard ng SM Megacenter, dahil sa pagsasauli nito nang napulot na wallet na nagkakahalaga ng P29,000 habang nag-iinspeksiyon sa entrance ng mall.

Habang ang labing limang iba pa ay ginawaran din ng Certificates of Commendation dahil sa mga natatanging gawain gaya ng pagsasauli ng mga naiwang gadgets, paghuli sa mga hinihinalang magnanakaw at paghuli sa mga nasangkot sa iligal na droga.

Ito ay taun-taong isinasagawa ng SM upang kilalanin ang mga natatangi nilang kawani at suriin ang kahandaan ng mga manggagawa sa oras ng pangangailangan.

Ayon kay customer Relations Service Senior Assistant Vice President Almus Alabe, kaisa sila ng mga kapulisan sa pagbibigay ng seguridad at kaayusan sa lungsod.

Pinuri naman ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) sa katauhan ni Cabanatuan City Chief of Police PLTCOL. Arnel Dial na nagsilbing representante ni Provincial Director PCOL Leon Rosete sa ipinamalas na mabuting gawain ng mga gwardiya. –Ulat ni Danira Gabriel

Watch – 16 honest na empleyado ng isang mall, pinarangalan


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *