18 Body Builder at 5 Bikini Women sa Muscle Showdown, nagpagalingan sa pag flex ng muscle

Nagpatalbugan sa kanilang naglalakihang mga muscle at mga nagsesexyhan na katawan  ng mga sumali sa Nueva Ecija Muscle Showdown  suot ang kaniya – kanyang mga shorts at underwear attire na kung saan ipinakita ng mga Body Builder at Bikini woman  ang mga nag – gagandhang katawan.

Layunin nito na maiwas sa masasamang bisyo at hubugin ang mga  kabataan upang maging mabuti at maging huwaran sa iba pang mga kabataan ngayon at  sa bawat isang Novo Ecijano.

Ayon kay Sports Inspector June Umali , isang oportunidad sa mga nakilahok sa Muscle Showdown ang makasali  para magpasaya sa mga Novo Ecijano dahil sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan.

Nakamit ni John Argie Espiritu ang pagkapanalo sa Novice Category, si Joshua Mark Dela Cruz ang nag kampeon sa Male Physique Small, nagwagi naman si Richard Bautista sa Baritan Category, itinanghal naman na panalo sa kategoryang Male Physique Tall si Guiller Barcansed, open – weight champion  si Norlito Villaflor at Champion Master naman si Tomasito Siriban na naguwi ng tropeyo at cash prize na nagkakahalaga ng walong libong piso.

Itinanghal naman na kampeon sa  Bikini Women si Shirley Damoco na nag uwi ng halagang walong libong piso (P8,000.00 ).

Laking pasasalamat naman ng mga nanalo at mga nakiisa sa lahat ng sumuporta sa mga nag organisa ng nasabing patimpalak  lalong higit kay Governor Cherry Umali, Atty. Aurelio Umali at kay Doc. Anthony Umali upang  maisagawa ang showdown.

Ayon kay Joshua Mark Dela Cruz ang nanalo sa Men Physique Small na isang kagalakan para sa kanya ang  maiuwe ang pagkapanalo sa kauna – unahan niyang paglahok sa nasabing  patimpalak.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *