19-anyos na estudyante, patay sa pamamaril; Ex-Kapitan, pinagbabaril ng tandem hanggang mamatay; Construction worker tulak umano ng droga, itinumba

   Patay ang isang 19-anyos na estudyante matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa barangay Del Pilar West, bayan ng Zaragosa.

Naglalakad pabalik na ng eskwelahan si Jerry Antonio matapos ang recess time nang sundan ng isang armadong lalaki at pagbabarilin sa del Pilar West, Zaragosa,
Naglalakad pabalik na ng eskwelahan si Jerry Antonio matapos ang recess time nang sundan ng isang armadong lalaki at pagbabarilin sa del Pilar West, Zaragosa,

   Kinilala ang biktimang si Jerry Antonio y Donato, binata, residente ng barangay Sta. Lucia Old, ng nabanggit na bayan, at mag-aaral ng Floriana Bao-Sadian Technical Vocational School Inc.

   Base sa inisyal na imbestigasyon ng Zaragosa Police Station, 9:40 ng umaga, naglalakad si Antonio kasama ang mga kapwa estudyante galing sa tindahan malapit sa kanilang eskwelahan nang sundan ng armadong suspek at bigla na lamang pinaputukan ng maraming beses.

   Tumumba sa shoulder ng kalsada ang biktimang nagtamo ng sampong tama ng bala ng Cal .9mm na baril, samantala ang suspek ay mabilis na tumalilis sakay ng isang motorsiklo.

   Cuyapo- niratrat ng riding in tandem hanggang sa mamatay ang isang dating kapitan ng barangay Baloy.

Sumadsad sa palayan sa gilid ng kalsada ang minamanehong motorsiklo ni ex-kapitan Ruben Lawig ng barangay Baloy makaraan itong tugusin at paputukan ng tandem sa Cuyapo-Talutog Road.
Sumadsad sa palayan sa gilid ng kalsada ang minamanehong motorsiklo ni ex-kapitan Ruben Lawig ng barangay Baloy makaraan itong tugusin at paputukan ng tandem sa Cuyapo-Talutog Road.

   Kinilala ang biktimang si Ex-Barangay Captain Ruben Lawig, habang ang dalawang hindi nakilalang suspek ay napag-alamang magkaangkas sa isang kulay itim na Rouser motorcycle.

   Ayon sa pagsisiyasat ng team ni SP04 Rudy Mendoza, 10:00 ng umaga, habang bumibyahe si Lawig papauwi ng bahay lulan ng minamanehong motor sa Cuyapo-Talugtog Road sa naturang barangay nang buntutan ng mga suspek. Nang maabutan ang biktima, pinagbabaril ito ng mga suspek gamit ang kalibre .45 baril.

   San Antonio- itinumba kamakailan ng tandem ang isang construction worker na diumano’y tulak ng droga sa bayang ito sa barangay Poblacion.

   Nagbebenta umano ng ipinagbabawal na gamot si Ricky Eugenio na itinumba ng tandem sa Poblacion, San Antonio.
Nagbebenta umano ng ipinagbabawal na gamot si Ricky Eugenio na itinumba ng tandem sa Poblacion, San Antonio.

Idineklarang dead on arrival sa San Antonio District Hospital ang biktimang si Ricky Eugenio y Villamayor,32- anyos, binata, at residente ng barangay Sto. Cristo, ng nasabing bayan.

   Batay sa report ng San Antoni Police Station, 10:00 ng umaga, sakay ng minamanehong motorsiklo ang biktima papauwi ng tahanan nang bigla na lamang ratratin ng dalawang suspek lulan ng isang Kawasaki Bajaj na kulay itim at walang plate number. Narekober ng SOCO sa crime scene ang limang basyo ng bala ng kalibre kwarenta’y singkong baril.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *