1st Awit at Kalikasan Camping Festival , Masayang idinaos sa Talavera

1st awit at kalikasan camping festival, dalawang araw na ipinagdiwang ng nueva ecija backpackers and mountaineers community

Dalawang araw na ipinagdiwang ng Nueva Ecija Backpackers and Mountaineers Community ang kanilang 1st Awit at Kalikasan Camping Festival na ginanap sa Mahogany Camping Ground Brgy. Maestrang Kikay Talavera, Nueva Ecija noong November 16-17 2019.

Sa unang araw nito ay isinagawa nila ang pagbebenta ng mga local products ng Nueva Ecija kagaya ng ibat-ibang pagkain, Bags, Duyan, T-shirts bilang bahagi ng kanilang Fund Raising na ipagkakaloob  sa IP’s Kaburlowan Tribe at Sitio Pindangan, Gabaldon Nueva Ecija.

Pagsapit ng gabi ay nagkaroon ng pagtatangghal ang mga  banda at pagtatagisan sa Spoken Poetry para sa mga dumalo sa nasabing pagdiriwang.

Sa ikalawang araw naman ay naghandog ng kanilang mga awitin  ang mga Guest Performing Artist na mga Novo Ecijano.

Kabilang sa mga ito ay sina Boogie Guatco, Marise Lorrain Dela Cruz, Troy Montemayor,  Jover Ringor, Enrico Elbomba, Carl Smoke, Old School Recovery,  Daily Judith, A camp fire story, at ang Olive Project Roots.

Nagsimulang mabuo ang Nueva Ecija Backpackers and Mountaineers Community isang buwan matapos idaos ang 1st Awit at Kalikasan Camping Festival.

Ayon kay Marty Cellona, Head Organizer ng programa, nabuo ito dahil sa kanilang hilig sa musika at pagmamahal sa kalikasan kaya’t tinawag nila itong “Awit at Kalikasan”

Layunin nito na ipamulat sa publiko na pahalagahan ang kalikasan at maghatid ng tulong sa mga taong nangangailangan at kapos palad.

Kabilang sa kanilang mga naging sponsors  para sa kanilang Fund Raising ay ang All is well, Off the grid midnorth gears, Nine-0 chopsquad, Personal Collection,  M&M Graphics, Craft & Cut Tam’s sign,Chucky Bikeshop, Chilli Bong, Red Guava, Lsp Printing, Xerd’s Motorcycle Accessories, Pet’s & Needs, at Kubo Hub.

 Umabot naman sa isangdaang katao ang nakisaya at nakiisa sa kanilang 1st Awit at Kalikasan Camping Festival 2019 at inaasahan na mas lalaki pa ang kanilang miyembro sa susunod na taon.ulat ni Myrrh Guevarra

https://youtu.be/_5SnhVwJEZE


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *