1st CLAFEN and TGP Summit, isinagawa sa Nueva Ecija

Nagtipon-tipon ang mga School Director’s mula sa ibat-ibang bayan at lungsod para sa kauna-unahang Central Luzon Agriculture and Fishery Extention Network and Techno Gabay Program Summit na idinaos sa Central Luzon State University Science City of Muñoz, Nueva Ecija noong november 27, 2019.

School director’s mula sa ibat-ibang bayan at lungsod, dumalo sa kauna-unahang Central Luzon Agriculture and Fishery Extention Network and Techno Gabay Program Summit

Una ay nagkaroon ng Memorandum Of Agreement o MOA signing sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno kabilang ang National Government Agencies maging ang mga pribadong sektor at mga Presidente ng State Universities and Colleges para sa paglalagay ng Techno Gabay Program Summit sa mga State Universities and Colleges  sa buong Region 3. 

Ayon kay Ms. Veronica Concepcion Esguerra, Center Director ng Agricultural Training Institute Regional Training Center 3, Layunin ng nasabing programa na pagkaisahin ang iba’t ibang mga grupo at sangay ng gobyerno para maibahagi sa mga mamamayan ang mga makabagong teknolohiya at paraan pagdating sa agrikultura.

Mga librong “Banyuhay” at “Vignette” naglalaman ng kaalaman sa pagtatampok ng sakahan at teknolohiya at mga destinasyon ng turismo sa agrikultura

Matapos ang moa signing ay nagkaroon naman ng Book Launching kung saan ipinakilala sa mga dumalo sa nasabing selebrasyon ang Banyuhay at Vignette na naglalaman ng mga pamamaraan sa pag-unlad ng pagsasaka.

Inilunsad ang mga librong “Banyuhay” at “Vignette” upang palawakin ang pagtatampok ng sakahan at teknolohiya ng ilang matagumpay na magsasakang siyentista at mga napiling lugar bilang mga destinasyon ng turismo sa agrikultura. Ulat ni Myrrh Guevarra.

Watch – 1st CLAFEN and TGP Summit, isinagawa sa Nueva Ecija


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *