1st Gov’s Cup: Walong koponan na lumusot sa quarter finals, puspusan na ang paghahanda

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng walong koponan na mapalad na pumasok sa quarter finals ng kauna-unahang Governor’s Cup Intertown Basketball Tournament ng lalawigan.

Ayon kay Allan Eugenio, Tournament Director and Commision ng Officiating Sports Committee, kasado na ang mga susunod na labanan.

Mula sa sampu na naglaban laban, lumusot sa North ang Science city of muñoz, Guimba, Rizal at San Jose City.

Sa gawi naman ng South,  tinuldukan na ng team San Leonardo, San Isidro, Bongabon at Gapan City ang kanilang posisyon.

Sa darating na sabado at linggo, magsasalpukan na ang mga pambatong koponan ng Hilaga at Timog.

Makikipaggitgitan sa loob ng court ang bayan ng Guimba katapat ang bayan ng Bongabon. Lungsod agham ng muñoz laban sa siyudad ng Gapan. Bayan ng Rizal katunggali ang bayan ng San Isidro at ang San Leonardo kontra sa lungsod ng San Jose.

Ngunit, kalamangan na ng mga koponan na nasa una at pangalawang pwesto ng North at South District na dalawang beses silang dapat talunin ng ikatlo at ikaapat na pwesto.

Ang apat na koponan na mananalo ang siyang aabante para sa semi finals at final round ng kompetisyon, upang masungkit ang tropeo at titulo bilang kauna-unahang kampeon sa Governor’s Cup Intertown Basketball Tournament.Ulat ni Danira Gabriel

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *