2 aktibistang dinukot umano ng mga militar, mas mabuti ang kalagayan sa Nueva Ecija Prov’l Jail

     Mas mabuti umano ngayon ang kalagayan ng dalawang political prisoners na sina Guiller Martin Cadano, at Gerald Salonga sa Nueva Ecija Provincial Jail kumpara noong sila ay nasa San Jose City Bureau of Jail Management and Penology.

Sina Cadano at Salonga na kapwa miyembro ng Kabataan Partylist na dinukot umano ng mga military sa R.T Padilla, Carranglan, kinasuhan ng illegal possession of firearms ans explosives, at parehong nakakulong sa kasalukuyan sa Nueva Ecija Provincial Jail. Photo courtesy of Google.

     Matatandaan na sina Cadano, at Salonga ay dinukot diumano ng mga elemento ng 3rd Infantry Battalion ng Philippine Army sa barangay R.T Padilla, bayan ng Carranglan noong August 9, 2014, inakusahang mga miyembro ng New People’s Army, at kinasuhan ng illegal possession of firearms and explosives.

     Sa ekslusibong panayam ng Balitang Unang Sigaw kay Guiller, sinabi nitong kapwa sila miyembro ng Kabataan Partylist ni Gerald na nakipamuhay sa Carranglan upang alamin ang sitwasyon ng mga mamamayan doon at epekto sa kanila ng Dalton Pass East Alignment Road Project na bubutas sa bundok ng Nueva Ecija at Nueva Viscaya para gumawa ng pribadong kalsada.

Ang mag-amang Amador at Guiller Cadano nang sila ay magkita sa Provincial Public Safety Office, Cabanatuan City. Photo credit to The Naysayer.
Ang mag-amang Amador at Guiller Cadano nang sila ay magkita sa Provincial Public Safety Office, Cabanatuan City. Photo credit to The Naysayer.

     Hindi aniya sila mga kriminal kundi mga aktibistang ipinaglalaban ang karapatan ng mas malawak na mamamayan katulad ng pakikibaka para sa pagkakaroon ng sariling lupa ng mga magsasaka, tama at makataong sahod ng mga manggagawa .

     Sa hiwalay na panayam sa ama ni Guiller na si Amador Cadano, Secretary General ng MARTYR o Mothers and Relatives Against Tyranny, inahayag nito ang kasiyahan sa pagkilala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bilanggong pulitikal kagaya ng kanyang anak, at pangako nitong pagpapalaya sa mga ito.

    Ngunit nakahanda aniya siyang magsakripisyo kung hindi pa man ito magkakaroon ng katuparan dahil ang mas mahalaga para sa kanya ay ang maisulong muna ang usapang pangkapayaan para sa kapakanan ng mas nakararaming mamamayan. – ulat ni Clariza de Guzman

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *