2 katiwala ng bahay, hinoldup ng armadong kalalakihan; Maglive-in, pinagbabaril; 1, patay; 1, sugatan; Manggagawang sangkot umano sa droga, binoga

     Armado umano ng maiikling baril, nakasuot ng bonnet, at camouflage uniform ang mga kalalakihang nang-holdap sa dalawang katiwala ng isang bahay sa Acropolis North, barangay Sumacab Sur, Cabanatuan City.

Sinundan ng apat na holdaper sina Roderick Nuyda at Cristina Medrano habang papasok ng gate ng tinutuluyang bahay sa Acropolis North, Cabanatuan City.
Sinundan ng apat na holdaper sina Roderick Nuyda at Cristina Medrano habang papasok ng gate ng tinutuluyang bahay sa Acropolis North, Cabanatuan City.

     Ang insidente ay iniulat sa istasyon ng pulisya ng mga biktimang sina Roderick Nuyda, 42-anyos, residente ng barangay Aduas Sur, nasabing lungsod at Cristina Medrano, 43, ng barangay San Josef Sur, Cabanatuan, kapwa mga stay-in caretaker sa tahanan ni Evangeline Nuyda, isang Overseas Filipino Worker.

    Ayon sa salaysay nina Roderick at Cristina, 10:45 ng gabi nang mapansin nila ang apat na lalaking sumusunod sa kanila pagkapasok nila sa gate ng bahay.

     Pagtutok ng baril sa kanila ay inagaw ng mga kawatan ang kanilang tatlong cell phones, dalawang gold na sing-sing, isang set na gold na hikaw at kuwintas, isang wrist watch, at Php 16,000.00 na cash.

     Cabiao- sabog ang ulo ng 60-anyos na lalaki habang sugatan naman ang kanyang live-in partner matapos pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang suspek sa barangay Sta. Rita.

Dalawang beses binaril sa ulo ng 2 suspek si Efren Damian kasama ang kanyang live-in partner  habang nasa loob ng tindahan sa brgy. Sta. Rita, Cabiao.
Dalawang beses binaril sa ulo ng 2 suspek si Efren Damian kasama ang kanyang live-in partner
habang nasa loob ng tindahan sa brgy. Sta. Rita, Cabiao.

     Napag-alamang dawit sa mga illegal na aktibidad sa droga ang biktimang si Efren Damian y Santos, may asawa, residente ng naturang lugar. Samantala ang kinakasama nito ay kinilalang si Angeline Dar y Magno, 20-anyos, dalaga, at residente ng General Luna, Cabanatuan City.

     Base sa imbestigasyon ng Cabiao Police Station, 9:00 ng gabi, magkasama ang dalawa sa loob ng kanilang tindahan nang bigla na lamang sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki.

     Dalawang beses binaril sa ulo ng 2 suspek si Efren Damian kasama ang kanyang live-in partner

     habang nasa loob ng tindahan sa brgy. Sta. Rita, Cabiao.

     Gamit ang isang kalibre .45 baril ay pinaputukan ng 2 beses sa ulo si Damian habang tinamaan naman sa kanang braso si Angeline.

     Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng 2 motorsiklo kasama umano ng kanilang pangkat patungo sa barangay San Fernando Sur ng nabanggit na bayan.

     San Antonio- isang tama ng bala sa likod ng hita ang nagpatimbuwang sa isang manggagawang kabilang umano sa mga minamanmanan ng pulisya na sangkot sa bentahan ng illegal na droga sa barangay Sto. Cristo.

Nakaupo sa harap ng tirahan si Antonio Reyes Jr. sa Sto. Cristo, San Antonio  nang bigla na lamang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek.
Nakaupo sa harap ng tirahan si Antonio Reyes Jr. sa Sto. Cristo, San Antonio nang bigla na lamang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek.

   Kinilala ang biktimang si Antonio Reyes Jr. y Punzalan, alyas “Unyo”, may asawa, at naninirahan sa nasabing barangay.

    Batay sa report ng pulisya, 9:00 ng gabi habang nakaupo ang biktima sa bangkuan sa gilid ng kalsada nang lumapit dito ang isang lalaki.

    Naglabas ng baril ang suspek at bigla na lamang pinagbabaril ang biktima ngunit nagawa nitong tumakbo palayo.

Naisugod pa sa San Antonio District Hospital ang biktima at inilipat sa PJGMRMC kung saan idineklara itong dead on arrival.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *