2 Magnanakaw ng kambing, nakipag-barilan sa Pulis; 1 patay, 1 nakatakas; Empleyado ng DAR, natagpuang lumulutang sa irigasyon

Dalawang magnanakaw ng kambing ang nahuli sa akto at hinabol ni P01 Celedonio Baniaga sa bayan ng Aliaga.
Dalawang magnanakaw ng kambing ang nahuli sa akto at hinabol ni P01 Celedonio Baniaga sa bayan ng Aliaga.

Patay ang isang lalaki habang nakatakas naman ang isa pa matapos mahuli sa aktong nagnanakaw ng kambing at makipag-barilan sa pulis sa barangay Eustacio, bayan ng Aliaga.

Ayon sa report ng pulisya, bandang 10:45 ng umaga, nakatanggap ng ulat ang Aliaga Police Station na may ninakawan ng kambing.

Hinabol ng rumespondeng si P01 Celedonio Baniaga ang dalawang suspek na nakasakay sa isang kulay itim na Kawasaki Bajaj CT 100 na may sidecar kasama ang ninakaw na kambing.

Binaril umano ng nakaangkas na suspek si P01 Baniaga ngunit nagmintis ito.  Nagpalitan ng putok ang magkabilang panig at tinamaan ni Baniaga ang gun man sa dibdib at kanang balikat.

Si Marissa Beluso ay empleyado ng DAR na natagpuang patay at lumulutang sa irigasyon sa Baloc, Sto. Domingo.
Si Marissa Beluso ay empleyado ng DAR na natagpuang patay at lumulutang sa irigasyon sa Baloc, Sto. Domingo.

Nalaglag ito sa tricycle at iniwanan ng kasama na tumakas patungong direksyon ng barangay Bibiclat ng nasabi ring bayan.

Itinakbo sa pagamutan ang nasugatang suspek ngunit idineklarang dead on arrival.

Sto. Domingo- Natagpuan na lamang na lumulutang ang bangkay ng isang empleyado ng DAR sa NIA irrigation canal sa barangay Baloc, Sto. Domingo.  Nakilala ang biktima sa pamamagitan ng kanyang ID na nakita sa kanyang bulsa na si Marissa Beluso y Facunla, 44-anyos, balo, Admin Assistant 3, at residente ng barangay Kalikid Sur, Cabanatuan City.

Dumaan sa autopsy exam ang labi ng biktima upang matukoy ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay.- ulat ni Clariza de Guzman.

022


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *