2 Novo Ecijano, nag – uwi ng medalya sa bansa

Nasungkit ni Sharifa Vianca dela Cruz ang isang silver medal mula sa 2019 Junior Taekwondo Championships na ginanap sa Amman, Jordan noong July 20 hanggang July 21, 2019.

Hindi lamang karangalan sa bansa ang kaniyang naiuwi sa Pilipinas ngunit pati rin ang kasiyahan sa puso ng mga Novo Ecijano na pinag – alayan niya ng kaniyang tagumpay sa nasabing kompetisyon.

Bukod sa medalya ay nakapag – uwi rin si Sharifa ng cash prize.

Samantala, isa pang Novo Ecijano ang nagbigay karangalan sa bansa. Ang bronze medalist na si Marie June Adriano na umuwi galing sa laban sa Tanding Female Class C, 11th Asean Schools Games Pencak Silat Competition na ginanap naman sa Semarang Indonesia noong July 17, hanggang  July 23, 2019.

Si Adriano ay labing limang taong gulang na isang Junior High School Student ng San Jose City National High School, na tubong bayan ng Llanera.

Sampung  taong gulang pa lamang si Marie June nang magsimulang mag-ensayo sa larong pencak Silat . Joice Vigilia/ Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *