2 PAARALAN SA LALAWIGAN NG NUEVA ECIJA, TUMAAS ANG BILANG NG MAG-AARAL

Tumaas umano ang bilang ng mga nag-enroll na mag-aaral sa dalawang eskwelahan na nilibot ng balitang unang sigaw team, kumpara noong nakaraang taon, kung kaya mas lalo pa raw mangangailangan ng dagdag guro at mga pasilidad para magamit ng mga estudyante.

“ Welcome back students”  yan ang makikita mo sa unang araw ng pasukan sa San Josef National High School.

Kapansin-pansin na handa na ang mga guro at estudyante unang araw palamang ng pasukan dahil complete uniform na ang mga ito.

Maaliwalas din ang mga silid-aralan dahil may maayos na upuan para sa mga estudyante, kapansin pansin din na bawat silid ay may bentilasyon at maayos na pasilidad.

Nakahanda na rin ang mga libro na maaring magamit ng mga estudyante at guro para sa araw -araw na pag-aaralan.

Dahil sa dami ng bilang ng mga magaaral ay kinailangan na magkaroon ng morning at afternoon sessions.

Dagdag pa ng guro na nakabuti rin ang paghati ng oras ng klase dahil naging mas maayos ang pagtuturo at kalagayan ng mga estudyante.

Tulad naman sa Grade 9 na umabot sa mahigit 600 estudyante ang nagenrol at inaasahan pa na tumaas habang bukas ang paaralan para sa mga transferees.

May tuwa at halong kaba din ang ilan sa mga estudyante dahil narin sa bagong tatahakin nila sa kanilang buong taon ng pag-aaral.

Samantala tumungo din kami sa Holy Cross College kung saan kasalukuyan pa lamang ang kanilang extension para sa enrollment ng College Level habang sumabay narin sa unang araw ng pagbubukas ng pasukan ang kanilang High School Level.

Ayon naman sa Guidance Counselor ng naturang paaralan na mas nadagdagan ang enrollees ngayon kumpara noong nakaraang taon.

Nagdagdag din ng 20 kwarto para sa college department na kasalukuyan na ginagawa para sa  pagdami ng  mga kukuha ng kursong HRM at Criminology.

Naging maayos naman ang unang araw ng pasukan sa kanilang High School Department at ilan sa mga rooms ay aming sinilip.

Sa unang araw ng klase ay ipinaliwanag na ng mga guro ang rules and regulations sa loob ng paaralan.

Mas pinili rin  ni Aling Violeta na pag-aralin ang kanyang mga apo sa naturang paaralan dahil subok na nila ang magandang pagpapatakbo nito.

Ilan sa mga 4th year student ay nagpahayag kung ano ang kahalagahan ng pag-aaral para sa kanila.- Ulat ni Bituin Rodriguez

 

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *