2 video ng Tropang NE, trending sa Social Media

Umabot na sa 32,000 views, 545 shares at 723 reactions as of May 8, 08:30 pm, ang isa sa nagtrending na video mula sa Facebook page na Tropang N.E simula ng mai-published ito noong April 26.

Ang nilalaman ng video ay ang pagmumura at pagpapaalis ni Mayor Jay Vergara sa mga muslim na nakatira sa Barangay Isla sa Lungsod ng Cabanatuan.

Marami sa mga netizens ang nagpahayag ng pagkadismaya sa kanilang comment sa Punong Lungsod dahil sa napanuod sa video.

Ayon sa komento ni Gemalyn Sanopo, dapat ay kausapin ang mga muslim para makalipat ang mga ito ng maayos at hindi dapat murahin.

Sa komento naman ni Efah Salic Pandita, hindi aniya siya makapaniwala na minura sila ng iniidolong Punong Lungsod.

Ang isa pang video na nagtrending ay may 46,000 views, 859 shares at 614 reactions sa parehong oras, simula ng mai-published ito noong May 4.

Ang nilalaman naman nito ay isa sa programa ng CabTV kung saan pinag-uusapan ang Bitcoin scam.

Nakalagay sa video ang pinsan, kanang kamay, Secretary ni Mayor Jay na si Eugene Mintu habang nagpapahayag ng pagkapikon sa umano’y pagkadawit ng kanyang pangalan sa Bitcoin Scam.

Sinabi nito kina Mayor Jay, Atty. Cesar Villar, abogado ng mag-asawang Vergara at Ding Gonzales, announcer sa radyo, na unfair ang pagtira sa mga Umali.

Makikita naman sa mga caption ng mga nagshare ng video tulad ni Raniel Ramos at Eric Salazar na hindi tamang gamitin sa pamumulitika ang usapin ng Bitcoin.

Sa isa pang komento ni Eric Salazar ay sinabi nitong seryosong usapin at isyu ang billion peso scam na ito kaya dapat ay hindi ginagawang biro bagkus ay ginagawan ng solusyon.

Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay hinihintay pa rin ng Balitang Unang Sigaw ang sagot ng kampo ni Mayor Vergara ukol sa dalawang videong nagviral na ito.

Para sa kabuuang video, maaari itong panuorin sa

https://www.facebook.com/661239097541110/videos/672470956417924/ at https://www.facebook.com/661239097541110/videos/668295633502123/ –Ulat ni Jovelyn Astrero


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *