20 estudyante, nagtagisan ng galing sa 2018 Division Mathematics Competition

Umabot sa halos tatlong daang partsipante na binubuo ng mga Division Personnel, District Supervisors, Principals, Coaches, Guro, at mga estudyante ang dumalo sa tagisan ng galing ng mga Mathematic Students sa ginanap na 2018 Division mathematics Competition sa Carmen National High School kahapon November 7, 2018.

Ito ay bahagi ng akademikong aktibidades ng bawat paaralan.
Ang mga pinaglabanan ng mga mag aaral ay ang Mathematics Quiz bee na nilahukan ng mga estudyante mula Grade 7, 8, 9,and 10. Habang ang mga Senior High School ay naglaban laban sa Sudoku, Rubics cube at Mathematics Trail.

Sa aming panayam kay Mary Finela Mactal-Bayan, Principal ng Carmen National High School, mahalaga aniya na may ganitong aktibidad sa bawat paaralan upang mas lalong malinang ang husay at galing ng mga estudyante pagdating sa asignaturang mathematics.

Dagdag pa nito, isang pribelehiyo aniya na mapili ang kanilang eskwelahan bilang host ng kompetisyon.

Ayon naman kay Dr. Mark Dizon Valdez, Teacher 3, mula sa San Ricardo National High School at isa sa limang facilitators sa Quiz bee competiton, nadedevelop naman aniya ang kanilang logical and critical thinking skils dahil sa pagkakaroon ng kumpetisyon sa Rehiyon Isa rin aniya itong paraan upang mapili ang mga mahuhusay sa buong dibisyon ng Nueva Ecija na magrerepresenta sa Regional.

Ibinahagi din nito sa amin ang hirap sa pagtuturo ng asignatura lalo na aniya kapag wala sa pokus ang isang bata.

Layunin nito ay upang mapractice ang mathematical skills ng mga mag-aaral.

Samantala, ang mga mananalo naman ay makatatanggap ng certificate of recognition, medalya. Ang mga papalaring manalo ay magiging pambato sa Regional mathematics competiton.-Ulat ni GETZ RUFO ALVARAN.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *