2,000 Government employees, nakiisa sa Fun Run ng 118th Philippine Civil Service Anniversary

Dinaluhan ng higit dalawang libong empleyado ng gobyerno ang Fun Run na ginanap sa tapat ng Old Capitol Compound, Cabanatuan City bilang bahagi ng ika isang daan at labing walong anibersaryo ng Philippine Civil Service.

Ito ay kinabibilangan ng mga local Government Units, National Government, at Government Owned and Controlled Corporations.
Eksaktong alas sais ng umaga kahapon September 26, 2018 ng sinimulan ang programa kung saan sabay sabay na tumakbo ang mga partisipantes sa kani-kanilang piling kategorya ng takbo na 5 Kilometer at 3 Kilometer .

Hinihingal man ay game na game pa rin sa masayang karera ang mga kalahok habang umiikot sa Cabanatuan City na nagsimula sa Freedom Park at nagtapos sa Sto. Niño Chapel, Kapitan Pepe.
Feeling ‘Fulfilled’ si Alcomtiser Santos, isang guro mula sa San Josef Elementary School na isa sa mga nakilahok sa naturang event, at itinanghal bilang first placer sa 5K category.

Kwento nito, tatlong buwan ang kanyang ginawang paghahanda para masungkit ang titulo.

Nakuha naman ni Carlo Manabat mula PJG ang titulo bilang 2nd placer sa 3 Kilometers Divison.

Abot tenga naman ang ngiti ni Joselito Mabagos sa pagkakasungit bilang 3rd placer sa 3 kilometer category, bilang pangalawang taon na niyang sumasali sa fun run ng Civil Service.

Masarap naman sa pakiramdam ayon kay Jeffrey Reyes mula LGU Bongabon, ang ganitong pagtitipon dahil aniya nagkakaroon sila ng pagkakataong Makita at makilala ang iba pang miyembro ng ahensya. kahit minsan lang sa loob ng isang taon.

Ayon kay Ellen Prado, na siyang pinuno at kasalukuyang Direktor 2 ng Civil Service sa lalawigan. Ang layunin sa pagdaos ng fun run ay upang matulungan ang kanilang kapwa kawani na may cancer at kasalukuyang sumasailalim ngayon sa chemotherapy at dialysis, ang kikitain nito ay ipagkakaloob sa kanya.

Bago pa sumabak sa takbuhan ang mga kalahok, ay nagkaroon muna ng pagsasayaw para i-kundisyon ang kanilang katawan at maging ganado sa pagtakbo.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *