TURN-OVER OF COMMAND SA NEPPO, PORMAL NG ISINAGAWA; PSSUPT MANUEL CORNEL, BAGONG ITINALAGANG PROVINCIAL DIRECTOR

Pormal ng isinalin kahapon July 8, 2015 ni PSSUPT Crizaldo Obispo Nieves ang pamunuan ng Nueva Ecija Police Provincial Office sa bagong itinalagang Provincial Director na si PSSUPT Manuel  Estareja Cornel.

Naging makasaysayan ang turn-over of command na ginanap sa gymnasium ng NEPPO sa harap ni OIC Regional Director PCSUPT Ronald Santos at Governor Aurelio Umali na tumayong Guest of Honor Speaker.

Sa kanyang mensahe, isa-isang binanggit at pinasalamatan ni PSSUPT Nieves ang lahat ng sumuporta at nagtiwala sa kanya na naging dahilan kung bakit naging matagumpay ang kanyang pamumuno

Tiwala si Nieves na sa paglilipat ng kanyang iniwanang tungkulin kay PSSUPT Cornel ay nasa mabuting kamay ang lalawigan.

Malugod namang tinanggap ni Cornel ang bagong katungkulan na ipinangako ni Governor Umali at tiniyak na patutunayang karapatdapat siya sa bagong posisyon.

Magkahalong emosyon naman ang naramdaman ni Governor Umali na first time na umattend sa nasabing seremonya. Hindi napigilang sabihin ng gobernador na nalulungkot siya sa pag-alis ni Nieves ngunit masaya rin siya  sa pagdating ni Cornel sa lalawigan.

Sa pag-upo ni ni PSSUPT Cornel bilang bagong PD, muli ay pinuri ni Governor Oyie ang mga alagad ng batas dahil utang umano niya sa kanila ang pagkakabalik at pagpapanatili ng kapayapaan at kalayaan sa lalawigan ng Nueva Ecija.- Ulat ni Clariza de Guzman

[youtube=http://youtu.be/Gc7x5v6Yn34]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *