2017 Barangay Annual Budget ng Cabanatuan City, dininig!

   Nagsagawa ng Budget Hearing ang Committee of the Whole ng Sangguniang Panlungsod ng Cabanatuan sa pangunguna ni Vice Mayor Anthony Umali para sa Annual Budget ng mga barangay ngayong taong 2017.

   Dininig nang Committee of the Whole ng Sangguniang Panlungsod ng Cabanatuan ang Proposed Annual Budget for Fiscal Year 2017 ng dalawampung barangay.

   Isa-isang sinalang ang mga kapitan at opisyales ng barangay upang alamin ang mga programa at nakahaing proyekto na paggagamitan ng pondo para sa kanilang mga barangay.

   Karamihan, ang malaking bahagi ng kanilang budget ay nakatuon sa pagpapagawa ng mga barangay hall, covered court, health centers at drainage canal. Aniya, ang mga barangay hall, covered court at health centers ay mapapakinabangan din nila bilang evacuation center tuwing panahon ng sakuna. Habang ang pagsasaayos at paglilinis ng mga kanal ay isa sa nakikita nilang solusyon upang makaiwas sa pagkalubog sa baha ang kanilang mga barangay.

   Sa dalawampung barangay, ang brgy. Camp. Tinio at brgy. Caalibangbangan ang mayroong pinakamalaking pondo. Habang ang brgy fatima, brgy ma. Theresa at brgy caudillo ang may pinakamaliit na pondo.

   Aminado ang mga kapitan na hindi sapat ang kanilang pondo upang maisakatuparan ang mga mithiin sa barangay.

   Sa loob ng walumpu’t tatlong barangay, dalawampu pa lamang ang nagpapasa ng Annual Budget para sa taong ito.

Ayon kay Vice Mayor Anthony Umali, walang dapat ikabahala o ikatakot ang mga punong barangay sa pagsasagawa ng budget hearing, dahil kaisa ang sanggunian sa pagpapaunlad ng kanilang mga barangay.

   Samantala, sa regular session ng sp, sa martes, January 17, 2017 nakatakdang desisyunan ng SP ang budget ng dalawampung barangay.  – Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *