Gov. Cherry Umali, inikot ang bayan ng Gabaldon at Laur upang maghatid ng munting regalo

Nagpamahagi ang pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Czarina “Cherry” Umali ng mga munting regalo para sa mga mamamayan ng bayan ng Laur.

Labing pitong barangay ang maghapong inikot ng governor upang personal na ibigay sa mga residente ang maagang pamasko. Alas syete pa lamang ng umaga ay nagsimula na ang pag-arangkada ng programang gift giving.

Mainit ang naging pagtanggap ng mga mamamayan ng Laur kay Gov. Czarina “Cherry” Umali nang bumisita ito sa kanila upang maghandog ng munting regalo.

Kaisa sa naturang programa si Vice Mayor Hector Bayro at ilang mga konsehal ng Laur.

Sa mensahe ni Gov. Cherry, ipinarating nito na ipalaganap ang pagmamalasakit sa bawat isa upang pag-ibig ang maghari sa lalawigan.

Samantala naging mainit naman ang pagtanggap ng mga taga Laur sa pamahalaang panlalawigan at labis ang kanilang kasiyahan at pasasalamat para sa natanggap na biyaya.

Una naman rito ay ang pamimigay ng mga regalo sa bayan ng Gabaldon kung saan labing-anim na barangay ang pinuntahan ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna pa rin ni Gov. Cherry.

Katuwang nila sa pamimigay ng regalo ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Gabaldon na pinamunuan ni Acting Mayor Joby Emata, Acting Vice Mayor Luis Danao Jr., mga konsehal ng Sangguniang Bayan, at mga kapitan ng bawat barangay.

Lubos rin ang kagalakan ng mga taga Gabaldon dahil sa mga regalong inihandog sa kanila kaya nagpasalamat sila na naramdaman nila ang malasakit ng provincial government. –Ulat ni Irish Pangilinan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *