Provincial PESO Manager pangilinan, nagbigay ng mga tips sa tama at disenteng pananamit para sa pag-aapply ng trabaho

Job fair 2017, dinagsa ng mga Novo ecijanong job seekers

 

Isa umano sa mga mahahalagang tinitingnan ng mga emloyer o mga kompanya sa mga aplikante ay ang disenteng kasuotan, tamang pananalita, pagkilos at iba pa. Ito ay ayon kay Provincial Peso Manager Maria Luisa Pangilinan.

Para sa mga kababaihan, ang tamang kasuotan ay ang corporate attire habang sa mga kalalakihan naman ay mainam ang pagsusuot ng polo sa pag-aapply ng trabaho upang mas magmukhang disente at mas kaaya-ayang tingnan

Mahalaga din na bigyang pansin ang pamamaraan ng pagsasalita na hindi makaka-offend sa interviewer at tamang pagkilos sa pag-upo at pagtayo.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika 84th Anniversary ng Department of Labor and Employment ay nagkaroon ng Job Fair 2017 sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan para sa mga novo ecijanong job seekers.

May tema itong trabahong marangal para sa lahat, sabay-sabay nating i-angat.

Nag alok ng trabaho ang tatlumpong lokal na kompanya at walong Overseas na pinadala ng Philippine Overseas Employment Administration

Ayon kay dario Archangel jr. 22 years old ng Cabanatuan, natutuwa siya dahil malaking opportunity para sa katulad niyang un-employed ang job fair ng pamahalaang panlalawigan.

Malaki ang pasasalamat nito dahil nabibigyan sila ng pagkakataon na makahanap ng trabaho.

Nagbigay naman ng mensahe si Provincial Peso Manager pangilinan sa lahat ng mga novo ecijanong matatanggap sa trabaho na sana ay pagbutihin at magkaroon ng commitment sa trabaho.

Nagpasalamat siya sa mag-asawang Umali sa patuloy na pagsuporta sa mga kalalawigan upang makahanap ng disenteng trabaho at pangkabuhayan. -Ulat ni Phia Sagat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *