Pinekeng stubs ng programang Gift Giving ng Provincial Government, nasabat

Nasabat ng mga tauhan ng Malasakit Gift Giving Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija ang mga pekeng stubs sa mga Bayan ng General Mamerto Natividad at Palayan City.

Ayon kay George Sagun, head ng Stub Distribution Team, kasabay ng pamamahagi ng mga gift packs sa mga nasabing bayan ay nadiskubre ang ilang mga pekeng stubs na hawak ng ilang mga mamamayan. Mapapansin na iba ang laki ng mga pekeng stubs kumpara sa tunay, hindi rin naka-embossed o nakaumbok ang numero ng mga pekeng stubs at ibang papel din ang ginamit sa mga ito. Mapapansin din na magkamukha ang mga numero ng mga pekeng stubs

Ilang residente din umano ng Brgy. Cabu, Cabanatuan City ang nai-spot-an ng mga Barangay Kagawad ang mayroong dalang pekeng stubs sa Barangay Populon sa Lungsod ng Palayan.

Ang gift giving ng Pamalaang Panlalawigan ay sinimulan noong taong 2013 sa ilalim ng panunungkulan ni Former Governor Aurelio Umali at ipinagpapatuloy ng kanyang kabiyak na si Governor Czarina Umali. Layunin nito na ipaabot ng direkta sa bawat pamilya ang tulong ng Pamahalaang Panlalawigan sa 889 barangay sa buong lalawigan.

Nakikitang dahilan kung bakit may mga taong nais i-sabotahe ang programa ay dahil sa malugod na pagtangkilik dito ng mga Novo Ecijano. Isa si Aling Pacita sa libo libong Novo Ecijano  na naging parte ng Gift Giving Program ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ayon kay Aling Pacita mas maganda na kaysa  manabotahe ng malasakit program, mameke ng stub at sirain ang Gift Giving Program ay tularan na lamang ito para sa huli ang mamamayan ang makinabang.

Kaugnay ng pagkalat ng mga pekeng stubs sa Gift Giving Program, nagbigay ng babala sa mamamayan ang Pamahalaang Panlalawigan, na tumanggap lang ng mga stub mula sa lehitimong Gift Giving Stubs Distribution Team na umiikot sa mga barangay kasama ng kapitan o kagawad. –Ulat ni Amber Salazar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *