Pambato ng Santolan, Palayan City, itinanghal bilang Ginoong Nueva Ecija 2017

Naiuwi ni Kindred Ame na pambato ng Santolan, Palayan City ang titulo bilang Ginoong Nueva ecija 2017 noong byernes Dec 29, 2017 na ginanap sa Sm Mega center Cabanatuan City.

Ayon sa kanya magiging modelo siya ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagsali sa ganitong uri ng patimpalak upang makaiwas sa mga masasamang bisyo.

Naging inspirasyon niya sa pagsali dito ang kanyang pamilya, nagpapasalamat din siya sa lahat ng sumuporta sa kanya hanggang matapos ang kanyang laban.

Si Kindred ay ipanglalaban sa Man of the philippines sa darating na marso ngayong taon.

Nakamit naman ni adrian arenas ang 3rd Runner up ng Palayan city , 2nd Runner up si Xien Edzairo Malaca ng Cabiao , 1st Runner up si Bon Adrian Basa ng Bongabon , Ginoong Turismo si Jonnel Aluning ng Zaragoza na ipanglalaban naman sa Mr. Grand international Philippines.

Nakamit naman ni Bon basa ang Best ni Festival attire,  Best in Casual attire si Adrian Arenas at Best in Formal attire si Xien malaca. -Ulat ni Phia Sagat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *