MaLiBug Wine o Manga, lipote at Bugnay wine , bagong sumisikat na healthy wine na gawang Gabaldon

Sumisikat na ang  Malibug Wine o manga, lipote , at bugnay wine  na gawang Gabaldon, Nueva Ecija, isa ito sa mga best seller ng China Wine and spirits na halos dalawang taon ng gumagawa ng Wine.

MaLiBug Wine, Puno ng health benefits

Ang Lipote wine ay puno ng health benefits katulad ng pagpapababa ng risk ng heart disease at stroke  mayroon din itong mga anti-oxidant at nakapagpapalakas ng immune system. Ang lipote naman ay isa sa mga medicinal plant ng bansa at mayaman sa flavonols at vitamin c.  bukod pa dito ay wala ring preservatives ang mga wine at masarap din ang lasa nito.

Ayon kay Jessica Abazola ng China wine and Spirits bukod sa MaLiBug wine ay mayroon din silang LiBug wine o lipote at bugnay at dragon fruit wine,   maaaring dayuhin ang wine na ito sa Gabaldon, Nueva Ecija.

Isa ang China Wine and Spirits sa mga micro entrepreneurs na mga Novo Ecijano  na tinutulungan ng DTI upang mapalago pa ang kanilang negosyo.  – Ulat ni Amber Salazar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *