Hiling na Barangay Service para sa Sta. Arcadia, Cabanatuan City, tinupad ng Pamahalaang Panlalawigan!

Dobleng kasiyahan ang bumungad sa mamamayan ng Brgy. Sta. Arcadia, Cabanatuan City sa pagdating ng Bingo Bonanza sa kanilang lugar dahil maliban sa mga papremyong hatid nito ay ipinagkaloob na rin ng pamahalaang panlalawigan ang  pondong hiling  na nagkakahalagang 500,000 pesos  na para sa kanilang barangay.

Ayon kay Kapitan Darius ‘Dada’ Yarcia,  Brgy. Service ang plano nyang bilhin para sa Barangay,  malaking tulong  um

ano ito sa kanyang nasasakupan  lalo na sa mga  panahon ng sakuna. Dagdag pa niya napakalaking halaga nito sa kanyang mga barangay workers at bantay bayan na nag-iikot at nagpapatrolya sa gabi.

Ibinahagi din ni Kapitan Yarcia ang hirap nila sa barangay na halos walang magamit o walang masakyan.  At nakikisakay lamang  umano sila sa ibang barangay na may dalang sasakyan kapag sila ay dumadalo ng mga seminars and meetings.

Dagdag pa ni Kapitan, libreng gamitin ang  Brgy Service, meron lamang  umanong tamang proseso na dapat sundin ang kanyang nasasakupan, tiniyak din ni kapitan na sa oras na dumating ang serbis ay maari na itong gamitin ninuman.

Inilarawan din ni Kapitan Yarcia na succesful ang naturang pabingo sa kanyang barangay na dinaluhan ng humigit kumulang isang libong mamayan ng Sta. Arcadia.

Marami namang nasiyahan sa mga papremyong hatid ng Bingo Bonanza gaya ng limang kilong bigas, appliances at gift packs.

Kaugnay nito, hindi rin pinalagpas ni Kapitan Yarcia ang pagkakataong makapagpasalamat sa pamahalaang panlalawigan na syang naghandog ng nasabing pondo para sa Barangay ng Sta. Arcadia.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *