Mamamayan ng San Antonio, nagsalu-salo sa huling araw ng selebrasyon ng kapistahan ni San Antonio Abad

Angat man sa buhay  o ordinaryong mamayan ng  bayan ng San Antonio ay nagsalu salo sa pananghalian sa huling araw ng selebrasyon ng kapistahan ni San Antonio Abad at ng ika isang daang pitumpu’t limang anibersaryo ng  Tambo Festival.

Ayon kay Mayor Arvin Salonga, ang salu salo ay bahagi ng kanilang mahabang okasyon na umabot ng labing isang araw na pagdiriwang sa kanilang bayan.

Ibinahagi naman ni Mayor ang kaibahan ng kanilang pagdiriwang noong nakaraang taon at ang kanilang paghahanda para sa pagsalubong ng kanilang kapistahan ngayong taon.

Mensahe naman ni Mayor Salonga sa kanyang mga kababayan na sana’y tularan ang kabutihan ni San Antonio Abad at ibahagi sa kapwa.

Ang Tambo Festival ay nagmula sa Barangay Maugat, San Antonio, Nueva Ecija,  na kung saan ang paggawa ng walis tambo ang pangunahing ikinabubuhay  ng mga mamamayan doon sa araw-araw at  kinakalakal sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kabilang sa mga akitibidades na isinagawa sa naturang bayan ay ang mga sumusunod: Fun Run, Car Show and Motor Show, Dance Contest and SANEC, palaro na may kasamang artista, Street Dancing/Pet Parade, Motor Cross,  Float Competition Parade, Bike Run, Variety Show at marami pang iba.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *