12 kandidato at 24 na kandidata ng N.E. Star Model Search Season 2, nagpatalbugan sa pagrampa

Nagpatalbugan sa pagrampa ang mga kandidato at kandidata ng Nueva Ecija Star Model Search Season 2 sa kanilang Casual Attire, Fashion Attire at ang kanilang Official T-shirt noong linggo na ginanap sa Sm city Cabanatuan.

Ang layunin nito na hubugin ang bawat kabataan sa lalawigan upang maging mabuti at maging huwaran sa iba pang mga kabataan ngayon.

Nakamit ni Juan Miguel Corpuz at ni Michaella Mae Sta maria ang 2nd runner up, 1st runner up naman si Tristhan Macapagal at Russel Mae Vallesca, at ang itinanghal na The Brightest Star noong gabi ay sina Arnold Bryan Cañega at Bea Valencia.

Ayon sa dalawang kampeon di matawaran ang kanilang kagalakan dahil natupad na ang kanilang mga pangarap na makuha ang titulo ng naturang patimpalak.

Laking pasasalamat din ng dalawa sa lahat ng sumusuporta sa kanila hanggang sa matapos ang kanilang laban.

Nagbigay naman ng mensahe at pasasalamat si Bryan Christian De Castro staff ng Dca Production Management sa lahat ng mga candidates ngayong season, na ano man ang mangyare at ano man ang kahinatnan ay masaya sila dahil nakarating ang mga kalahok sa ganitong uri ng patimpalak at nagpapasalamat din siya sa lahat ng bumubuo ng dca production sa matagumpay na event.

Samantala, ang mga nagwagi ay nakatanggap ng kontrata sa Dca Production, Tropeyo, Sash , at Cash Prizes  –Ulat ni Phia Sagat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *