Barangay Bagting, Grand Slam sa 7th Gulayan Festival Float Parade ng Gabaldon!

Labis ang kasiyahan ni Kapitan Edwin Lacandoza ng Barangay Bagting, Bayan ng Gabaldon habang nagpapaabot ng mensahe ng pasasalamat sa mga hurado ng Float Parade,  7th  Gulayan Festival Competition dahil sa kanilang muling pagkapanalo kahapon.

Si Kapitan Edwin Lacandoza, habang sinasalaysay ang kanilang paghahanda sa pagbuo ng kanilang float na pambato.

Grand Slam na maituturing ang Brgy. Bagting dahil sa tatlong magkakasunod na taon na napanatili  nila ang titulo bilang nangunguna pagdating sa pagiging malikhain sa paggawa  ng iba’t ibang disenyo ng float gamit  ang kanilang tanim na gulay na pangunahin nilang ikinabubuhay.

Ayon kay kapitan, nagbunga ang kanilang pagod, puyat at paghihirap sa pagbuo ng kanilang float gamit ang bigas at mani na syang pagunahing disenyo nito, kung saan naging inspirasyon nila ang kanilang Pamahalaang Bayan.

Dagdag pa ni Kapitan, napakalaking bagay na mapaunlad at mapagtuunan ng pansin ang kanilang bukirin na syang pangunahing pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay.

Ang premyo naman na kanilang  napanalunan ay ilalaan umano nila sa pagbili ng mga materyales na kanilang gagamitin para sa susunod na taon sa paglahok sa 8th Gulayan Festival.

Samantala, naging panauhin ng pagdiriwang si Senator Joel Villanueva na naghatid ng mensahe sa mga mamamayan ng Gabaldon.

Senator Joel Villanueva, masayang binahagi ang mga accomplishments sa Nueva Ecija

Ang Gulayan Festival ay taun-taon ng ipinagdiriwang sa Bayan ng Gabaldon na ang layunin ay makaakit ng mga dayuhan para mapalago ang turismo sa kanilang lugar at para mai-promote ang kanilang mga pananim.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *