Mga nasawing sundalo, binigyang pagkilala sa 27th Founding Anniversary ng SOCOM

Binigyang pagkilala ang mga natatangi at mga nasawing sundalo sa pagdiriwang ng ika-dalawampo at pitong taong pagkakatatag ng Special Operations Command ng Philippine Army sa Fort Ramon Magsaysay, Palayan City.

Sa programa, parehong itinuring na mga bayani ang mga buhay at mga namatay na miyembro ng Hukbong Katihan.

Sina Gen. Rey Leonardo Guerrero, AFP Chief of Sataff  at MGEN Ronnie Evangelista, SOCOM Commander matapos ang wreath laying ceremony sa monument ng mga namatay na sundalo.

Dalawampo at isang opisyal at mga sibilyan na kabilang sa Board of Advisers ng SOCOM ang ginawaran ng pagkilala. Habang panalangin at bulaklak naman ang inialay sa monumento ng mga namatay na sundalo kasama ang animnapo’t limang nagbuwis ng buhay noong nakaraang taong 2017, kung saan limampo at apat sa mga ito ang namatay sa bakbakan sa Maute sa Marawi City sa Lanao del Sur.

Sa mensahe ng Guest of Honor and Speaker na si General Rey Leonardo Guerrero, Chief of Staff, Armed Forces of the Philippines, hinikayat nito ang mga tauhan ng Hukbong Katihan na gawing inspirasyon ang track record ng kanilang unit upang mas paghusayan at pagbutihan pa ang kanilang pagsisilbi.

Umagaw naman ng atensyon ng mga bisita ang pagpapakitang gilas ng Philippine Army Parachute Team sa Skydiving exhibition.

Tinapos ang pagdiriwang sa buddle fight kung saan nagsalu-salo ang mga miyembro, opisyal  at mga dating commander ng SOCOM, mga bisita at pamilya ng mga namatay na sundalo.

Nag-ugat ang pagkakabuo ng Special Operations Command noong June 1, 1978 nang i-organisa ang Army Special Warfare Brigade, ngunit 1983 nang i-deactivate ito.

Dahil sa mahigpit na pangangailangan, June 1, 1996 nang isagawa ang re-organization ng SOCOM kung saan nakapailalim ang Special Forces Regiment (Airborne), Scout Ranger Regiment at light Reaction Regiment.- ulat ni Clariza de Guzman

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *