Himig ng Pag-ibig Pre-Valentine Concert ni Rey Valera at Nyoy Volante, jam packed

Napuno ng hiyawan at ramdam  ang pag ibig sa Himig ng Pag ibig  Pre-Valentine Concert ni Mr Rey Valera featuring  Nyoy Volante , Gidget de Llana , Pauline Agupitan at  Ralph Padiernos na hatid ng Ecijanos Travel and Tours. Sold out ang naging kanuna-unahang  concert ng Ecijanos. Bukod sa magandang musika hatid ng mga alamat sa OPM nag serve din ng mga pagkain sa lahat ng guest at Photo opportunity  sa mga artists  para sa mga VIP.

Isa si Ralph Paadiernos tubong Cabanatuan city ang unang nag perform para sa kanyang mga kababayan. Aniya masayang mag perform muli sa Nueva Ecija para sa Pre Valentine concert.

Mahigit 1,100 Novo Ecijano, nanood sa Pre-Valentine Dinner Concert with Mr. Rey Valera

First time Naman ni Mary Gidget na mag perform sa Nueva Ecija at na excite rin sya sa sold out concert na ito. Nagpaulan ng mga love songs na tagos sa puso si Gidget at kinanta nya ang araw gabi na isa sa mga kinanta ni Gidget sa Tawag ng Tanghalan na  lalong nagpa excite sa crowd.

Throw back naman ang mga kinanta ni Pauline Agupitan para sa mga audience. Aniya kahit wala syang experience sa pag ibig ay maipararamdam naman ito  sa mga old love songs na kinalakihan na ng  karamihan sa mga audience.

Mr. Nyoy Volante, Nag enjoy dahil sa mainit na pag-tanggap ng mga Novo Ecijano

Ipinakita naman ni Mr.  Nyoy Volante ang kanyang galing sa pag awit ng kantahin nito ang ilan sa mga kanta na kanyang ini revive at isinulat. Isa rin si Mr. Nyoy Volante sa mga OPM artist na tinitingala dahil sa husay nitong mag perform. Nag Enjoy din aniya sya sa Pag pe-perform sa Nueva Ecija dahil sa pag tanggap ng mga Novo Ecijano na game na sumabay sa kantahan  kasama ng mga artists                                        

Mga novo Ecijano, nakisabay sa pag kanta ng mga awiting pinasikat ni Rey Valera.

Dumagundong naman ang hiyawan at palakpakan ng lumabas na ang isa sa mga alamat ng OPM na si Mr Rey Valera na kinanta ang kanyang mga walang kupas na mga  awitin na hindi niluluma ng panahon kagaya ng naaalala ka, pangako sayo, kung kailangan mo ako. Bilang isang artist naman ay  ikinatuwa ni Mr. Rey Valera ang pagiging supportive ng mga Novo Ecijano. Aniya ng kabataan nya ay madalas sya sa Pantabangan nueva Ecija mag bakasyon.

Ayon naman kay Mr. Sean ng Ecijanos Travel and Tours ay siguradong masusundan ang mga concert na kanilang gagawin. – Ulat ni Amber Salazar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *