Pagdarasal, Pag-Aayuno at Pagkakawang-gawa, mensahe ng Miyerkules ng Abo

Sa homiliya ni Rev. Fr. Joel Cariaso sa ginanap na misa sa St. Nicholas Of Tolentine  Parish Cathedral sa Cabanatuan City kahapon, binigyang diin nito ang kahalagahan ng ugnayan sa sarili, ugnayan sa kapwa at ugnayan sa panginoon.

Upang mapalusog ang pagkatao at ang mga ugnayan na ito ay marapat din aniyang mapalusog ang tatlong haligi ng Kwaresma, ang pagdarasal, pag-aayuno at pagkakawang-gawa.

Gaya ng nakaugaliaan, dagsa ang mga debotong katoliko upang dumalo sa banal na misa para magpalagay o magpapahid ng markang krus na abo sa noo tanda ng pagsisisi sa mga kasalanan.

Paalala ng St. Nicholas Of Tolentine  Parish Cathedral  dapat na alalahanin ng mga tao  ang pagpapakasakit sa krus  ni Hesukristo para iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan at nararapat lamang na magkaroon ng marubdob na pananampalataya sapagkat  nilikha lamang  tayo ng poong maykapal.

Sa pagpasok ng Kwaresma ay mas magandang simulan ang pagninilay sa pagkukumpisal o paghingi ng tawad sa Diyos.

Kabilang sa mga deboto ay si Lola Sophia Cunanan Espino, walumpu’t pitong taong gulang, na nagsabing panata na nya ang magsimba higit apat na put limang taon na at hindi sya lumiliban kahit operado Sa Gal Bladder.

Hiling ni lola kapayapan, katahimikan ng bansa, pagkakaisa, pagmamamahalan at pagpapatawad ang dapat manguna sa puso ng bawat isa.

Para naman kay Charice Ramos at Alexis Jerome Sardilla, huwag dapat kalilimutang magdasal at tumulong sa kapwa, sapagkat maliit man na bagay ang pagtulong ay malaki naman ang nauukopa nito sa puso ng bawat kristiyano.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *