8 miyembro ng Aegis Juris Fraternity sinipa ng UST

Walong miyembro ng Aegis Juris Fraternity ang sinipa ng University of Santo Tomas dahil sa pagkamatay ni the Faculty of Civil Law freshman Horacio “Atio” Castillo III sa hazing. Sinabi ng UST na ang pag-expel sa walong estudyante ay resulta ng kanilang imbestigasyon sa pagkasawi ni Castillo. Nakasaad naman ito sa pahayag ng pamantasan sa kanilang official student publication na The Varsitarian. Hindi naman pinangalanan ng UST ang mga nasipang estudyante. Binuo ni dating UST Rector Fr. Herminio Dagohoy, OP, ang komite kung saan kinabibilangan ito ng anim na administrator at kinatawan ng Central Student Council. Nasawi si Castillo sa initiation rites ng Aegis Juris nitong Setyembre 2017. Sa kasalukuyan ay wala pang napananagot na miyembro ng fraternity sa pagkamatay ni Castillo.Ulat ni Getz Rufo Alvaran

Silipin ang kabuuang: 8 miyembro ng Aegis Juris sinipa ng UST

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *