“Mahirap mag judge sa Tawag ng Tanghalan.” –Hurado Rey Valera at Nyoy Volante

“Mahirap mag Judge sa Tawag ng Tanghalan.” Ganyan inilarawan ni Mr. Rey Valera at Nyoy Volante ang kanilang experience bilang mga hurado sa Tawag ng Tanghalan sa programang It’s Show time ng amin silang ekslusibong  makapanayam sa kanilang concert dito sa Nueva Ecija. Ayon kay Mr. Rey Valera madalas man nya ma Gong ang mga contestant ay ikinalulungkot pa rin nya ito ngunit aniya ay kailangan na maabot pa rin nila ang pamantayan ng mga hurado. “Kung maaari lang ay manalo lahat” yan naman ang binitiwang pahayag ni Mr. Nyoy Volante na isa rin sa mga hurado ng Tawag ng Tanghalan. Isa sa pinaka sikat na segment ng It’s Show Time ang Tawag ng Tanghalan kung saan nagpapakitang gilas sa pag awit ang mga amateur Filipino singers mula sa iba’t ibang panig ng Mundo. – Amber Salazar

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *