House bills para sa OFWs gawing ‘urgent’ – Leni

Hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang mga mambabatas na gawing “urgent” ang mga panukalang batas na naglalayong bigyang proteksyon ang mga OFWs.

Ginawa ng Bise Presidente ang apela kaugnay na rin ng mga nangyaring pang-aabuso kamakailan sa mga OFWs.

“These should be treated as urgent by our lawmakers because many OFWs will benefit from these,” wika pa ni Robredo at kailangan umanong tingnan din ng Kongreso ang mga rekomendasyon ng iba’t ibang grupo tungkol sa nasabing usapin.

May dalawang batas nang naisumite sa House of Representatives upang mapabilis ang proseso ng pagpapabalik sa bansa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibayong dagat na naipit sa krisis tulad ng mga manggagawa sa Kuwait.

Layunin ng House Bills 674 at 1983 na amyendahan ang Republic Act 8042, na nagkakaloob ng remedyo para sa pagpapauwi sa mga OFWs.

Hangad din nito na tugunan ang mga butas nang umiiral na regulasyon at iba pang mga hadlang para sa agarang pagpapauwi.

Silipin ang kabuuang balita sa https://beta.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/02/21/1789870/house-bills-para-sa-ofws-gawing-urgent-leni#ZstMjogCD7hd2Ize.99

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *