Senior citizens ng San Antonio, Nueva Ecija, nagdaos ng kanilang Ika-23 Anibersaryo

Pinagdiwang ng mga sinior citizens sa San Antonio, Nueva ecija ang kanilang ika dalawamput tatlong anibersaryo ng pagkakatatag noong huwebes pebrero akinse, na ginanap sa Dr. Jose lapuz Salonga Gymnasium.

Tema ng nasabing pagdiriwang ang “pagkilala sa kakayahan, ambag at paglahok ng mga nakatatanda sa lipunan.”

Ang kanilang selebrayon ay pagpapakita ng bawat barangay ng kanilang natatanging kakayanan sa pamamagitan ng pagkanta at pagsayaw.

Ayon kay Ernesto Nucum na mula sa barangay maugat san antonio, habang tumatagal ay mas lalong sumasaya ang kanilang samahan.

Dagdag pa nito, marami na rin ang pag-babago sa bayan ng san antonio.
Hiling naman ni Dolores Galang, Presidente ng senior citizens sa bayan ng san antonio, sana ay mas dumami pa ang mga matatanda na napepensiyonan.

Dagdag pa niya, lahat ng suliranin ng kanilang samahan ay nabibigyan ng kalutasan at naibibigay ang kanilang panganagilangan ng kanilang mayor at ng pamahalaan.

Ayon naman kay Elvira Ronquillo, Provincial Social Welfare and Development Officer ng Nueva Ecija, sana ay mahalin ng lahat ang mga senior citizens, dahil sila ang nagsilbing modelo ng ating lalawigan.

Samantala, nagpadala naman ang pamahalaang panlalawigan ng libreng miryenda sa pamamagitan ng kitchen on wheels para sa lahat ng mga lolo at lola at mga panauhin na dumalo sa naturang event.
Sa Ulat ni Phia Sagat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *