Mga ‘violators’ sa Boracay walang kawala – Cimatu

Muling tiniyak ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Roy Cimatu na hindi palalampasin ang mga natukoy na violators sa isla ng Boracay na nasa listahan ng kanilang ahensiya.

Ayon kay Cimatu, kailangang magpakita ang mga ito ng kaukulang dokumento na nagpapatunay na legal ang kanilang kinatatayuan gayundin na walang nilalabag na batas para sa kalikasan.

Mahigpit daw na ipapatupad ang 15 days to comply.

Sakaling mabigo, ang adjudication board ng DENR ang magdedesisyon at ipapatupad ang naaayon sa batas.

Napag-alaman na sa pinakahuling data ng DENR, umaabot na sa 153 ang show cause orders na naisilbi sa mga violators mula sa kabuuang 842 illegal occupants sa forest lands.

 

Silipin ang kabuuang balita sa http://www.bomboradyo.com/mga-violators-sa-boracay-hindi-palalagpasin-cimatu/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *