Pamilya Demafelis naibsan ang pighati matapos ang pagbisita ni Duterte

Bahagyang nabawasan ang bigat sa loob na nararamdaman ng pamilya Demafelis matapos ang pagdalaw ng Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ni Joanna Daniela Demafelis, ang Pinay na pinatay ng kaniyang mga amo sa Kuwait ay isinilid pa sa freezer.

Ayon kay Crisanto Demafelis, ama ni Joanna, nagagalak silang naipaabot mismo sa Pangulo ang kanilang mga pangangailangan at problema.

Natutuwa umano siyang nabigyan sila ng Pangulo ng pagpapahalaga.

Marami umanong dalang tulong para sa kanila ang Pangulo na kanila namang pinasasalamatan.

Tiniyak naman ng Presidente  sa pamilya ang hustisya para kay Joanna, pagtubos sa tatlong ektaryang lupa ng pamilya na nakasangla at makatapos ng pag-aaral ang kapatid ni Joanna na si Joyce.

Bagama’t nilinaw ng Pangulo na makakamit lamang ang hustisya kapag nahuli na ang mga amo ni Joanna.

Silipin ang kabuuang balita sa http://www.bomboradyo.com/pamilya-demafelis-naibsan-ang-pighati-mga-tulong-ipinaabot-ni-pres-duterte/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *