4th Golden Buzzer sa PGT, nakamit ng Spiral Pole Dancer

Nakamit ng single mother Spiral Pole Dancer mula sa  Antipolo City ang ika-apat na Golden Buzzer sa ika-anim na season ng Pilipinas Got Talent.

Pinabilib ni Kristel De Catalina ang mga hurado lalo na si Vice Ganda dahil sa kakaibang aerial dance performance.

Bawat performance ni Kristel ay iniaalay niya sa kanyang anim na taong gulang na anak na lalaki.

Sa ngayon ay pasok na si Kristel sa semifinals ng kompetisyon dahil sa pagpindot ni Vice Ganda ng Golden Buzzer..- Ulat ni Shane Tolentino

See the full video here: https://www.youtube.com/watch?v=ZHhePoJhs8g

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *