Puro imprastraktura, nawawala ang tulong sa tao. – VM Umali

Tao naman.
Ito ang suhestiyon ni Cabanatuan City Vice Mayor Anthony Umali kay Mayor Jay Vergara sa paggamit ng napipintong pag-utang ng P1.5-P1.6 bilyon na ibubuhos sa mga proyektong pang-imprastraktura.
Ayon sa Bise Alkalde, dahil nakasentro sa mga pagawain ang Punong Lungsod ay napag-iiwanan na ang pinakaimportanteng bagay na dapat ginagampanan ng mga katulad nilang lingkod bayan, ito ay ang direktang
Sa kagustuhan umano ng Punong Lungsod na umunlad ng mabilisan ang Cabanatuan upang dumagsa ang mga kapitalista ay nakakalimutan naman ang mga mamamayan na dapat unang pinaglilingkuran.
Ang pag-unlad aniya ay maisasakatuparan ng unti-unti at hindi sa mabilisang paraan. Sa punto, na pati ang kapakanan ng Cabanatueño ay naisasa-alangalang. pagtulong sa tao.
Naiiwan na nga umano ang para sa tao, tao pa ang babalikat ng bilyong halagang uutangin ng Pamahalaang Lungsod.
Pagbibigay diin pa ni Vice Mayor Umali, malayo pa ang eleksyon . Ang kailangan ng taong bayan ay pagtutulungan ng mga namumuno. Ang Pagbabago at Progreso ay dapat aniyang lakipan ng pusong may Malasakit at Matapat na Paglilingkod. –Ulat ni Danira Gabriel

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *