Pangulong Duterte magbibigay ng 1-K condo units sa mga dating NPA members

Magbibigay umano si Pangulong Rodrigo Duterte ng 1,000 na mga condo units para sa mga sumukong mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ito ang ipinangako ng chief executive sa kanyang pagdalo sa inagurasyon ng bagong shooting range sa Arms Corporation of the Philippines (ARMSCOR) Shooting Center, Incorporated (ASCI) sa Buhangin, Davao City.

Ayon pa sa pangulo, gagawa na lamang ng bagong pabahay para sa mga sundalo na para sana sa kanila ang nasabing 1,000 units na nasa Talomo area ng lungsod ngunit kung marami ang sumukong mga rebelde, uunahin na lamang niya ang mga ito at pagagawan na lamang ng mas magandang pabahay ang militar.

Silipin ang kabuuang balita sa http://www.bomboradyo.com/pangulong-duterte-magbibigay-ng-1000-condo-unit-ng-pabahay-sa-mga-dating-npa/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *