Mahihirap na Novo Ecijano, tinukoy ng DSWD

Sa pagsusumikap ng Pamahalaang Panlalawigan na makuha ang datos ng mga mahihirap upang mutulungan ang Department of Social Welfare and Development Region 3 sa pag-i-implementa ng programa sa mga maralitang pinoy ay nilagdaan na nina Gov. Czarina Umali at Assist. Regional Director Irene Crespo sa pamamagitan ng moa signing ang listahan na naglalaman ng mga pangalan ng mahihirap na mamamayan sa probinsiya na ginanap sa unang quarterly meeting ng ahensiya sa SMS, Palayan City.

Ito ang gagamiting basehan ng pamahalaan upang matukoy kung sino at nasaan ang mga pamilyang mahihirap na mabebenepisyuhan ng programang panlipunan batay sa mga itinakdang pamantayan ng ahensiya katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan.

Ayon sa Ina ng Lalawigan, ang hakbang ay bahagi ng balangkas na “Malasakit” ng pamahalaan upang maiangat na may kasamang pagmamahal ang buhay ng mga Novo Ecijano.

Base sa datos ng DSWD, mula sa mahigit tatlong daang libong naitalang mahihirap sa Gitnang Luzon ay bumaba na ito sa dalawang daang libo.

Inihayag ni Irene Crespo Assistant Regional Director for Administration ng DSWD, ang pagbaba ay bunsod ng pagtukoy at rektang pagtulong sa mga mahihirap na pinoy.

Aniya, naging posible lamang ito dahil sa tulong ng lokal na pamahalaan.

Dahil sa tulong-tulong na pag-abot sa mga nangangailangan partikular na sa mga sektor ng kabataan, kababaihan, Senior Citizens at Persons With Disability(PWD) ay inaasahan na mas lalong mababawasan ang bilang ng mga maralitang pinoy.

Ang pagtitipon ay dinaluhan ng pitong lalawigan sa Gitnang Luzon kabilang ang Pampanga, Bulacan, Zambales, Tarlac, Bataan, Aurora at Nueva Ecija. – Ulat ni Danira Gabriel

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *