PHILHEALTH sa OSSCO Palayan City, bukas na para sa mga Novo Ecijano

Magandang balita para sa mga Novo Ecijano dahil apat na serbisyo na ang maaaring i-avail sa PHILHEALTH sa One Stop Service Center for OFWs ng Nueva Ecija Government Center and Central Business Hub sa Palayan City.

Kabilang sa mga serbisyo na ibinibigay ng Philhealth sa OSSCO Palayan ay ang mga sumusunod: Enrollment of new member, verification of contributions, updating of records, and enrollment of new member in new business.

Para sa mga newly self-employed, mag fill-up ng dalawang Philhealth Member Registration Form o PMRF na makukuha via online at magbayad ng Php 600 bago makuha ang kanilang MDR o Member Data Record.

Sa mga newly employed naman mag fill-up ng ER2 Form na pirmado mismo ng awtorisadong empleyado ng kompanya.

Maaari ring magpunta sa kanilang tanggapan dala ang PMRF sa mga nais mag-update ng kanilang mga dependent o may kailangang baguhin sa pangalan o anumang impormasyon na patungkol sa kanila.

Sa mga nais magverify ng kanilang mga contributions, magdala lamang ng Xerox copy ng valid id.

Kung sakaling mag-aaply ang newly member in new business, punan ang bawat impormasyon sa ER1 Form ng Philhealth na pirmado ng may-ari at magdala ng requirements tulad ng DTI Registration, BIR 2303 at R1 Form mula sa SSS para sa mga Single Proprietorships at Articles in Corporation at ER1 Form para sa mga korporasyon.

Ngunit ang Certificate of Registration sa mga nag-apply dito ay maaaring kuhanin sa Main Office ng Philhealth sa NE Pacific Mall, Cabanatuan City.

Ayon kay Jen Simbulan, Clerk 3 ng Philhealth Cabanatuan sa mga miyembro na hindi personal na makakapunta sa Philhealth na magdala ng authorization letter, Xerox copy ng ID ng may-ari at ang mismong representative.

Dagdag pa ni Simbulan sa mga miyembro na nais magbayad sa kanilang tanggapan na pumunta lamang sa Bayad Center na matatagpuan din mismo sa Ground Floor ng Business Hub.

Bukas para sa mga Novo Ecijano ang nasabing ahensya mula Lunes hanggang Biyernes alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.- Ulat ni Shane Tolentino

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *