PSWDO at KALIPI-INC, isinusulong ang karapatan ng mga kabababihan sa lipunan

Hindi lamang para sa tahanan, kundi para rin sa lipunan. Ito ang isa sa mga isinusulong ng PSWDO o Provincial Social Welfare Development Office at ng KALIPI-INC o Kalipunan ng Liping Filipina sa ginanap na Women’s Month Celebration sa NE Pacific Mall kamakailan.

Ayon kay Elvira Ronquillo, PSWD Officer, ang naturang selebrasyon ay may temang “We Make Change Work for Women” kung saan binibgyang halaga at karapatan na makihalubilo ang mga kabababihan sa lipunan.

Pahayag naman ni Elvie Caparangca, presidente ng KALIPI-INC, layunin nilang palawakin pa ang kanilang samahan at magkaroon ng pagkakaisa sa mga kabababihan upang magkaroon sila ng iisang layunin.

Kaugnay din ng selebrasyon ay nagkaroon ng dance contest sa mga miyembro ng KALIPI na may 70’s na tema kung saan naglaban-laban ang labing-isang grupo mula sa iba’t-ibang munisipalidad sa lalawigan.

Bawat grupo na nagtanghal ng sayaw ay mayroon ding mensaheng ipinararating para sa mga kababaihan.

Sa huli naman ay itinanghal na panalo ang grupo mula sa bayan ng Jaen. 2nd place naman ang San Isidro habang 3rd place ang Cabiao. –Ulat ni Irish Pangilinan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *