152 riders, nakiisa sa Regionwide Simultaneous Launching of Oplan Clean Riders Alpha

Nakiisa ang mga opisyales at miyembro ng Motor Cycle Riders Organization mula sa una hanggang ika-apat na distrito ng lalawigan ng Nueva Ecija sa Regionwide Launching ng Oplan Clean Riders Alpha na ginanap sa Nueva Ecija Police Provincial Office Covered Court Gymnasium Cabanatuan City.

Layunin ng programa na puksain ang kriminalidad upang sama-samang makamit ang tahimik mapayapa at ligtas na pamayanan.

Ayon kay Police Senior Inspector Jacqueline Gahid, sinasagawa ang programa na ito para mabawasan ang mga motorisatang naaabala sa mga check point.

Nagpapasalamat din siya sa lahat ng motoristang dumalo sa naturang event.

Sa pangunguna ng staff officers nagkaroon ng ceremonial patching at pagkakabit ng sticker sa mga motor bago isagawa ang motorcade para magpamigay ang mga ito ng leaflets at flyers.

Samantala, pagkatapos ng parada ay nagkaroon din ng Road Safety Marshall Seminar para sa mga motorist. Ulat ni Phia Sagat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *