395 na baril, nakumpiska ng NEPPO sa ‘Oplan Katok/ Bilang Boga 2018’

Umabot sa tatlongdaan at siyamnapu’t limang baril ang nakumpiska ng Nueva Ecija Provincial Police Office sa iba’t ibang bayan sa buong lalawigan.

Ito ay sa ilalim ng nationwide program ng PNP na “Oplan Katok at Bilang Boga 2018” bilang preparasyon para sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan elections sa darating na May 14.

Sa ginanap na media firearms presentation kaninang umaga sa neppo gymnasium, cabanatuan city, ipinakita ng mga kapulisan ang mga nakuhang baril. 386 dito ay low powered, 9 ang high powered habang 19 naman ay mula sa crime lab.

Magugunitang simula bukas hanggang sa May 21 ay ipapatupad na rin ang gun ban sa buong bansa.

Samantala, patuloy pa rin ang oplan katok at bilang boga ng pulisya sa iba’t ibang bayan para sa mas payapang eleksyon.

At ‘yan ang mga balitang aming nakalap sa loob at labas ng lalawigan, manatiling nakatutok sa tv48 para sa iba pang balita. Ako pong muli si irish pangilinan, magandang gabi. – ULAT NI JANINE REYES.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *